Tinamad na kong mag-blog. Seryoso.
Kitams, tagalog na ang post na ito. Kasi nga, tinamad na ko.
Salamat sa mga links ko at sa mga commenters ko. Si Utakgago’y di mawawala, uhh, magpapalipas-oras lang. Lam nyo na, magmumuni-muni. Basta, bahala na si Batman. Sa mga kabarkada’t kaklase ko na nagbabasa ng blog na ‘to: mabuti’t nakilala nyo kung ano yung ‘deeper’ na katauhan ko! Amf. Parang ang lalim! Puta, parang di ako to.
Sa mga kapatid kong gurang (isang trenta’y tres at isang trenta’y uno – parehas babae at parehas na nasa US) – salamat sa patagong pagbabasa ng blog ko. Grabe, alam ko namang binabasa nyo to kahit na pinagbabawal ko kayo, diba!!
Sa kuya ko, bahala ka na sa buhay mo. HAHAHAHA. Joke!
At sa lahat ng bloggers, at mga Paulinians, at sa mga hindi ko kilalang nagbabasa ng blog na ‘to dahil trip lang: salamat. Naka-ilang visits din ako. 28,065 ang huli kong bilang. For almost 5 months, wow. Achievement. WordPress is really better than Blogger [anong konek nun, pare?]!
Anong balak ko sa mga pyutur na araw? Magbasa. Maghanap ng ibang mapagkaka-abalahan. Nakakatamad ring mag-blog no! Isipin mo, araw-araw mong ipapakilala sa madla kung sino ka. Nakakaburat talaga! Hahaha. Kaya eto, medyo lutang ata ako ngayon pero hindi na MUNA ako mag-bloblog. Pansamantala, baka matagalan. Kung mag-bloblog man ako, hindi nyo na ko kilala.
I mean, hindi ako magpapakilala.
Muli, salamat sa mga naging parte ng blog na to.
At kita-kits sa susunod na Blog Parteeh, promise – walang biguan! Tutal magkokolehiyo na naman, kaso sa LB. Hanglayooo. Laguna. Pero balita ko, kulang pa ang sampung tao para yumakap ng isang puno dun. Tsaka sagana ang night life! At frat! Wooohooo! At tambakan raw ng sandamakmak na chicks na makalaglag-brief.
Ewan ko ba kung totoo.
Kay Jun Mark at Brian, LB tayo ha! Hehe, sila yung mga tiga-St. Paul Bocaue na makaka-LB ko. Lolz, wala lang.
Ayun, sige. Tama na to.
